Partylist Coalition, sinusuportahan sa ngayon ang endorsement sa Speakership ni Pangulong Duterte

Sinusuportahan ng Partylist Coalition ang pagendorso ni Pangulong Duterte kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker ng 18th Congress.

 

Ayon kay Partylist Coalition President Mikee Romero, suportado nila ang endorsement ni Pangulong Duterte sa ngayon at wala nang kwestyon tungkol dito.

 

Aminado si Romero na malaki ang impact ng pag-endorso ng Pangulo sa resulta ng magiging botohan sa pagbubukas ng sesyon sa July 22.


 

Nanindigan din ito na bloc vote ang paiiralin sa pagboto ng Speaker.

 

Inamin ni Romero na may mga tutol sa naging posisyon ng Partylist Coalition na suportahan ang pronouncement ng Pangulo mula sa Duterte Coalition.

 

Aniya may mga miyembro ng PCFI na kabilang din sa Duterte Coalition at balak na resolbahin ang isyung ito sa susunod na pulong.

 

Matatandaang dala-dala ng Duterte Coalition si Davao City Rep. Isidro Ungab na kandidato sa House Speaker at hindi pa rin umaatras ito.

 

Dagdag naman ni 1PACMAN Rep. Enrico Pineda na may choice naman talaga ang Presidente sa gusto nitong Speaker pero nasa mga kongresista pa rin ang desisyon ng pagpili at pagsunod sa nais ng Pangulo.

Facebook Comments