PARUSA | Nurmagomedov, McGregor suspindedo ng 10 araw

238

Pinatawan ng Nevada State Athletic Commission sina UFC Flyweight champion Khabib Nurmagomedov at Connor McGregor ng sampung araw na suspesyon dahil sa naganap na gulo pagkatapos ng kanilang laban sa UFC 229.

Sa desisyon ni commission executive Bob Bennet magsisimula ang parusa kina Nurmagomedov at McGregor sa Lunes, October 15.

Inaasahan na posibleng madagdagan pa ang parusa ng dalawang sikat mixed martial arts fighter ng UFC dahil magsisimula na ang pormal na imbestigasyon sa nangyaring rambulan sa October 24.

Matatandaang tinalo ni Nurmagomedov si McGregor via submission sa 4th round pero sa halip na magsaya sinugod nito ang kampo ng Irish fighter sa labas ng octagon.

Dun na nagsimula ang free-for-all sa pagitan ng mga kakampi ng undefeated Russian champion at mga bata ni McGregor.

Facebook Comments