Parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimen, suportado ni Pangulong Duterte

124

Muling ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuhay sa death penalty para sa heinous crimes sa bansa.

Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Pangulong Duterte na pabor siya na ibalik ang capital punishment laban sa mga nakagawa ng karumal-dumal na krimen sa mga inosenteng tao.


Bukod sa heinous crimes, nais din ni Pangulong Duterte na patawan ng death penalty ang mga nasasangkot sa ilegal na droga.

Naniniwala si Pangulong Duterte na hindi “ibinasura” ang death penalty pero “sinuspinde lamang”.

Sa ngayon, ang panukalang pagbuhay sa death penalty ay nakabinbin sa Kongreso.

Facebook Comments