Parusang perpetual disqualification laban kay VP Sara, kailangang resolbahin pa rin ng impeachment court sakaling magbitiw ito sa pwesto

Naniniwala sina Manila 3rd district Representative Joel Chua at Tingog Party-list Representative Jude Acidre na dapat pa ring resolbahin ng impeachment court ang parusang perpetual disqualification from public office laban kay Vice President Sara Duterte sakaling magbitiw ito sa puwesto.

This slideshow requires JavaScript.

Pananaw ni Chua na miyembro ng House Prosecution Team, kahit bumaba na sa pwesto si VP Sara bago magkaroon ng resolution ang impeachment court sa paglilitis dito ay dapat pa ring maresolba ang hiling ng Kamara na mapatawan ito ng perpetual disqualification from public office.


Para naman kay Representative Acidre, sakaling bumaba sa pwesto ang bise presidente ay kailangan pa ring ipagpatuloy ng Senado ang paglilitis dahil ito ang utos ng Konstitusyon.

This slideshow requires JavaScript.

Punto pa ni Acidre ang impeachment case ay hindi pwedeng ipagsawalang-bahala na lang kasi ito ay hindi lang usapin ng mga politiko kundi usapin ng pananagutan sa bayan.

Facebook Comments