PASADO │Anak ni PNP Chief dela Rosa, recognize na bilang full pledge cadet ng PNPA

876

Manila, Philippines – Kinilala na bilang isang full pledge cadet ng Philipine National Police Academy (PNPA) ang anak ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na si Rock dela Rosa.
Ito ay matapos na makapasa sa mahirap na physical at mental training ng PNPA.
Ibig sabihin nito kapatid na ngayon ang turing ng mga upper classmen sa Hinirang Class of 2021 na kinabibilangan ni Rock dela Rosa.
Sa speech ni PNP Chief dela Rosa bilang guest of speaker sa ginanap na recognition rites sinabi nitong may tatlong mahalagang bahagi ang pagpasok sa PNPA ito ay incorporation, recognition at graduation.
Sa tatlong ito ang recognition ang pinaka-importanteng malampasan dahil dumadaan muna sa physical at mental training ang isang kadete bago ma-recognize.
At para makarating hanggang graduation kailangan nalang ay mag-aral ng mabuti at sumunod sa mga patakaran ang isang kadete.

Facebook Comments