Tiniyak ng DOTr na magpapaabot sila ng tulong sa pasaherong may kapansanan na sinaktan sa loob ng bus

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, magbibigay sila ng ano mang tulong sa biktima at pamilya nito matapos ang insidente.

Humingi rin ng paumanhin si Dizon sa pamilya ng biktima at tiniyak na mapapanagot ang mga sangkot sa krimen.

Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang DOTr sa Philippine National Police (PNP) para mahanap ang mga pasaherong nanakit at mapanagot ang mga ito.

Una rito, pinagpapaliwanag ng DOTr ang Precious Grace Bus Co. matapos mabigong protektahan ng bus driver at konduktor nito ang isang pasaherong may kapansanan mula sa pananakit ng ibang pasahero habang nasa biyahe sa EDSA Busway.

Pansamantala na ring sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s at conductor’s license nina Mark Ivann Ramos at Francis Sauro matapos nilang mabigong i-report sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na naka-istasyon sa EDSA busway maging sa pulis ang nangyaring pananakit.

Facebook Comments