Pasaherong Nigerian national na positibo sa COVID-19, inaresto sa NAIA Terminal 1

Inaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department (APD) ang isang pasaherong papasakay na sana ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungong Sudan, South Africa.

Kinilala ni APD Chief Col. Adrian Tecson ang Nigerian national na si Abdelkhalig Mohamed Mirgani Azrag, 19-years old.

Lumilitaw na pineke ng suspek ang kanyang ipinakitang resulta ng RT-PCR test mula sa Manila Doctors Hospital at positibo ito sa COVID-19 virus kung saan nilabag nito ang RA 11332.


Agad na inireport ni Abigail Calma na naka-assign sa check-in counter ng Ethiopian Airlines sa police office sa NAIA Terminal 1 kung saan agad rumesponde ang airport police sa lugar.

Ang suspek ay dinala sa Terminal 1 isolation facility at nakatakdang isailalim sa inquest proceeding sa Pasay Prosecutors’ Office ngayong araw.

Facebook Comments