PASAWAY | 417 indibidwal, naaresto sa buong magdamag sa Metro Manila

Manila, Philippines – Arestado ang 417 indibidwal mula sa southern part ng Metro Manila, dahil sa mga paglabag sa ordinansa sa nakalipas na magdamag.

Sa bilang na ito, 79 dito ay dinakip dahil sa pag-inom sa kalsada, 38 ang walang pang-itaas na damit, 172 ang mga menor de edad na lumabag sa curfew, 77 ang naninigarilyo sa pampublikong lugar, 50 ang tambay at 1 ang umiihi sa pampublikong lugar.

Hinainan na ng karampatang reklamo ang mga nahuli na paulit- ulit nang lumabag sa mga city ordinance, habang sumasailalim pa sa identity verification ang ibang nahuli.


Facebook Comments