PASAWAY | Mga lumabag sa ibat-ibang ordinansa, pumalo na sa higit kalahating milyon – NCRPO

31

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula June 13 hanggang November 26, 2018.

Umaabot na sa 24,749 ang nahuling nag-iinom sa mga pampublikong lugar, 145,423 ang lumabag sa smoking ban habang nasa 32,544 yung mga nakahubad o walang damit pang itaas at nasa 32,434 naman ang mga menor de edad ang lumabag sa curfew hours at 294,098 ang lumabag sa iba pang ordinansa.

Sa kabuuan sumampa na sa 529,248 ang mga indibidwal ang inaresto ng mga otoridad dahil sa paglabag sa ibat ibang city ordinances.

30,985 ay mula sa NPD, 109,233-EPD, 44,711-MPD, 33,043-SPD at 311,276 – QCPD.

Facebook Comments