Pasay City General Hospital, mariing kinokondena ang ano mang uri ng diskriminasyon laban sa kanilang mga tauhan

Mariing kinukundena ng pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) ang ano mang uri ng pangungutya, panghihiya at diskriminasyon sa mga kawani ng PCGH.

Nag-ugat ito sa isang racist na pahayag ng isang kandidato sa lungsod ng Pasay, kung saan sinabi nito na kanyang tatanggalin ang mga bumbay para wala nang amoy sibuyas sa Pasay City General Hospital.

Kasunod nito, isang show cause order ang inilabas ng COMELEC upang hingin ang kanyang paliwanag sa mga binitawan niyang pahayag.

Iginiit ng PCGH na mananatili ito sa pagtataguyod at pagpapahalaga sa dignidad ng mga kawani maging ng mga pasyente ng kanilang ospital, at magpapatuloy sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan para sa mga nasasakupan ng PCGH.

Facebook Comments