
Iginiit ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na hindi nila kinunsinte ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa lungsod.
Ayon sa alkalde, mahigpit nilang ipinatupad sa Pasay City ang zero-tolerance policy sa POGO operations.
Nagsasagawa rin aniya ang Pasay LGU ng mahigpit na monitoring, at nakikipag-ugnayan sila sa national law enforcement agents na nasa likod ng kampanya laban sa POGO operations.
Sinabi pa ng alkalde na sumailim din sa masusing pagsusuri ang business permits na kanilang inisyu sa 13,000 establishments sa lungsod ngayong taong ito.
Ang reaksyon ni Calixto-Rubiano ay kasunod ng pahayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio na sinisilip din nila ang posibleng criminal liability ng local officials matapos ang sunud-sunod raid sa POGO hubs sa Pasay City.