Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nag-self Quarantine matapos makaugnayan ang isang nagpositibo sa COVID-19

Nag-self quarantine si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil may nakaugnayan na nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Jun Burgos, media relation officer ng Alkalde, may nakasalamuha si Mayor Rubiano na COVID-19 positive sa kanyang pagharap sa mga taong umaapela ng tulong sa Lokal na Pamahalaan sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19

Bilang pag iingat, nagpasya ang Alkalde na mag-self quarantine na lamang.


Hindi naman nabanggit ng Alaklde kung kailan ito sasailalim sa COVID-19 test.

Nakatakda sanang mamahagi ng relief goods kanina si Mayor Rubiano sa Barangay 201 sa Merville Access Road, Kalayaan Village, Pasay City ngunit hindi na ito tumuloy

Facebook Comments