Pasay City, nakapagtala na ng 175 barangay na COVID free na

37

Umabot na sa 175 na barangay ang naitatala ng Pasay City government na COVID free na.

Batay sa ulat ng Pasay City Information Office, ilan sa mga barangay na COVID free ay ang Barangay 103, 118, 137, 170 187 at Barangay 1.


Kaugnay nito, may 9 na bagong kaso naman ng COVID-19 sa Pasay kaya umabot na sa 14,468 ang total confirmed cases sa lungsod.

Sa bilang na ito, 14,036 na Pasayeño ang gumaling na sa COVID matapos madagdag ang pitong gumaling kahapon.

Panawagan pa rin ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa kanilang mga nasasakupan na patuloy ang pakikiisa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.

 

Facebook Comments