Pasay MTC, binasura ang kasong acts of lasciviousness vs TV network ‘boss’

Ibinasura ng Pasay Metropolitan Trial Court ang kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng isang TV network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Kasunod na rin ito ng inihaing motion to quash nina Nonez at Cruz sa korte.

Ayon sa Pasay City MTC Branch 46, “overkill” ang inihaing acts of lasciviousness ni Muhlach dahil kasama na ang nasabing elemento sa kasong rape at sexual assault na inihain ng Department of Justice sa Pasay Regional Court.


Inaasahan naman na maghahain ng komento hinggil dito ang kampo ni Muhlach.

Inihain ng aktor ang kaso noong nakaraang taon matapos ang aniya’y pangmomolestiya sa kanya ng dalawa nang dumalo siya sa isang event.

Magugunitang umabot pa ng Senado ang naturang eskandalo kung saan pinatawag ng mga senador ang dalawang respondents.

Facebook Comments