Pasehorong luluwas sa kanikanilang probinsya ngayong Semana Santa, dagsa na sa mga bus terminal

74

Manila, Philippines – Nagsimula nang bumuhos sa mga bus terminal ang mga
pasaherong luluwas sa kani-kanilang mga probinsiya para sa Semana Santa.

Kabilang sa mga dinarayo na ay mga terminal sa Cubao, Quezon City at ganun
din sa mga terminal sa Pasay City.

Ayon sa ilang mga pasahero, mas inagahan na raw nila ang pag-uwi sa
probinsiya para maiwasan ang inaasahang pagdagsa pa ng mas maraming tao sa
mismong mahal na araw.

Bahagya namang tumaas ang singil sa pamasahe sa ilang mga destinasyon kung
saan ang dating pamasahe na p1,500 ay pumalo sa P1,600 hanggang P1,700 na
ngayon sa biyaheng bayan ng Bato sa Leyte.

 

Facebook Comments