Pasig City Government, naglaan ng ₱100,000 financial assistance sa makapagbibigay ng impormasyon sa pag-aresto sa 10 most wanted criminals sa lungsod

52

Naglaan ang Pasig City Government ng ₱100,000 financial assistance sa Pasig City Police sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa agarang pagkakaaresto sa 10 most wanted criminals sa lungsod.

Ito ay matapos maaprubahan ang ipinasang resolusyon na nag-ootorisa kay Pasig City Mayor Vico Sotto na magbigay ng naturang halaga.


Naniniwala ang pamunuan ng Pasig City PNP na malaking tulong ang nasabing rewards upang agarang maaresto ang mga nagtatagong mga krimal.

Ayon kay Mayor Sotto, nais nitong mahuli lahat ng mga nagtatagong kriminal sa Pasig.

Aniya, napakalaking tulong ang nasabing pabuya upang maengganyo ang mga residente na makipagtulungan sa pulisya para maaresto ang mga kriminal.

Facebook Comments