Pasig City Mayor Vico Sotto, hindi nagpabakuna ng anti-COVID -19 vaccine

251

Nakiisa na rin si Mayor Vico Sotto sa ginawa ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na huwag pagpakuna ngayong araw kasabay ng pag-arangkada ng bakunahan ng Sinovac sa mga health worker sa Pasig City.

Ayon kay Mayor Sotto, sinunod niya ang prioritization ng Inter- Agency Task Force (IATF) na unahin muna ang mga health workers.


Pinangunahan nina Dr. Nerissa Sabarre ng Emergency Department ng Pasig City General Hospital, Dr. Bernadette Banjit, Dr. Ian Castro, Dra. Carla Banares at Nurse Brenda Lizardo ang isinagawang ceremonial vaccination sa Pasig General Hospital.

Tiwala umano ang mga doktor at nurse ng Pasig City General Hospital sa Sinovac na galing sa bansang China.

Facebook Comments