Pasig City, nabakunahan na ang 100% sa mga senior citizen

18

Ipinagmalaki ni Pasig Mayor Vico Sotto na nakamit na ng lungsod ang target na 100% na mga senior citizens na nabakunahan ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Sotto, siyento porsyento o 44,703 eligible senior citizens ng lungsod ang nabigyan na ng kanilang vaccine shots.


Aabot sa 84% sa mga lolo at lola sa Pasig ang nakakumpleto na ng second dose ng bakuna.

Aminado ang alkalde na nahirapan sila noong una na kumbinsihin ang mga senior citizens na magpabakuna pero dahil sa “word of mouth” ng mga nabakunahan ay nahikayat din ang mga matatanda na magpabakuna.

Laking pasasalamat naman ni Sotto sa mga profilers ng syudad na nagtyagang magbahay-bahay para mahimok ang mga seniors na magparehistro at magpabakuna.

Facebook Comments