Pasig Ferry, balik operasyon na!

36

Muling nagbabalik operasyon ang Pasig River Ferry Service matapos itong hindi makabiyahe ng ilang araw dahil sa sobrang dami ng water lily sa Ilog Pasig.

Kanina ay inanunsyo ng management ng Pasig River Ferry Service na muli nang bumiyahe ang kanilang mga sasakyan mula sa Pinagbuhatan, Pasig City Station, hanggang Sta. Ana, Manila Station.

Ang Pasig River Ferry Service ay binuksan sa publiko at mga pasahero noong August 3, 2020 matapos suspendihin ang mga biyahe nito dahil sa pandemya.

Sa ngayon, 50% lang ng mga passenger capacity ang pinapayagang sumakay para masunod ang minimum health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments