Pasig Mayor Vico Sotto, hindi pwedeng pwersahin ang Regent Food na bawiin ang kaso nito laban sa higit 20 indibidwal

1398

Iginiit ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) na hindi pwedeng pwersahin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Regent Foods Corporation (RFC) na bawiin ang kasong isinampa nito laban sa 23 indibidwal na nagdulot ng physical injuries sa isang Labor Strike.

Ayon kay DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya, bagamat nirerespeto nila ang posisyon ni Mayor Sotto, ang kasong ay nasa Korte na at lagpas na ito sa mandato ng isang Local Chief Executive.


Ang pwede lamang niyang gawin ay magbigay ng legal assistance sa pamamagitan ng paghiling sa Public Attorney’s Office (PAO) na maging kinatawan sa mga manggagawa.

Dagdag pa ni Malaya, dapat ipakita ng mga Alkalde ang neutrality sa anumang sitwasyon.

Hinimok ng DILG ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) na manghimasok na hinggil dito.

Facebook Comments

From Advertisers