Pasig Mayor Vico Sotto, magsasagawa ng virtual “State of the City Address” mamayang hapon

Magsasagawa ng kauna-unahang State of the City Address ang alkalde ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page.

Ito ay parte ng pagdiriwang ng ika-447 Foundation Day ng Pasig City.

Kaugnay nito, natanggap na rin ng lokal na pamahaalan ng Pasig ang Presidential Proclamation 975, s-2020 bilang pagdeklara ng special non-working day ngayong araw sa naturang lungsod.


Pero, inihayag ng alkalde na walang malaking selebrasyon na gagawin ngayong taon dahil sa COVID-19.

Hangga’t maaari anya ay mag-stay at home muna upang maging ligtas sa banta na dala ng virus.

Samantala, ang lungsod ng Pasig ay mayroong 229 na active cases ng COVID-19, dahil mula sa kabuuang bilang na 747 na confirmed cases, 79 nito ay nasawi at nasa 439 na ang mga gumaling sa sakit na dulot ng virus.

Facebook Comments