PASKO SA MEGA VACCINATION SITE NG DAGUPAN CITY, RAMDAM NA

Ramdam na ang pasko sa Mega Vaccination site ng Dagupan City sa City People’s Astrodome matapos itong punuin ng mga palamuti.

Mag-eenjoy ang mga Dagupeñong magpapabakuna kontra COVID-19 dahil bawat istasyon sa vaccination ay dinisenyuhan ng mga nurses at midwives base sa interpretasyon nila ng temang “Christmas in our hearts.”

Gumamit ang mga ito recycled at indigenous materials tulad ng galon ng alcohol, vials na pinaglagyan ng saline solution para sa bakuna at mga dayami.


Binigyang parangal naman ilang health workers na kabilang sa vaccination team matapos magwagi bilang Best Christmas Station ang kanilang ginawa. | ifmnews

Facebook Comments