
CAUAYAN CITY — Suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan mula Enero 20 hanggang 24, 2025, sa bayan ng Cabagan, Isabela, bilang bahagi ng selebrasyon ng Cabagan Grand Fiesta 2025.
Ang naturang suspensyon ay batay sa Executive Order No. 04-01, series of 2025, na ipinalabas ng Lokal na Pamahalaan ng Cabagan sa pangunguna ni Mayor Atty. Christopher Mamauag.
Bukod sa mga mag-aaral, suspendido rin ang pasok ng mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor mula Enero 22 hanggang 24, 2025, upang bigyang-daan ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang.
Ang Cabagan Grand Fiesta ay ginaganap taun-taon tuwing ika-24 at ika-25 ng Enero at tampok dito ang iba’t ibang socio-cultural activities na naglalayong ipakita ang pagkakaisa, tradisyon, at makulay na kulturang pamana ng bayan.