Pasok sa lahat ng antas sa Tagaytay, balik na simula bukas

35

Ipinag-utos na ng Tagaytay City Government ang pagbubukas muli ng klase sa lungsod bukas, January 27.

Ayon kay Mayor Agnes Tolentino, sinulatan na niya si Cavite Schools Division Superintendent Rommel Bautista ukol dito.


Mamamahagi rin ng face mask sa mga estudyante.

Nabatid na nasa 264 na lungsod at munisipalidad sa Calabarzon, Central Luzon, Mimaropa at Metro Manila ang nagdeklara ng class suspension matapos na pumutok ang Bulkang Taal noong January 12.

Sa nasabing bilang, 228 ang nakapagbalik ng klase mula January 23.

Facebook Comments