Pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila, sinuspinde na ni Chief Justice Peralta

54

Sinuspinde na ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang pasok sa mga korte sa National Capital Judicial Region o NCJR Courts.

Kabilang dito ang Korte Supreme, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan, at lower courts.


Epektibo alas-12:30 kanina ay pinauwi na ang mga empleyado ng hudikatura.

Ipinauubaya naman ni Chief Justice Peralta sa Executive Judges ang pagsuspinde ng pasok sa mga korte sa mga lugar sa labas ng Metro Manila na apektado rin ng bagyong Ulysses.

Ngayong tanghali, sinuspinde na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasok sa lahat ng antas ng eskwela at pasok sa government at public offices simula ngayong hapon hanggang bukas sa mga lugar na apektado ng bagyo.

Facebook Comments