
Sa kabila ng pagdedeklara ng suspensyon at asynchronous learning ng mga paralaan sa ibang lungsod dahil sa forecast ng PAGASA kung saan posibleng maranasan ang 46⁰ heat index sa Metro Manila, tuloy naman ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa lungsod ng Navotas base sa pahayag ng Navotas – Public Information Office (PIO).
Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga estudyante, magulang at mga guro na mag-ingat pa rin sa mararanasang init ng panahon.
Pinapayuhan din ang lahat na magdala ng payong at uminom ng maraming tubig para mabawasan ang init na nararamdaman.
Maigi ring pakiramdaman ang sarili lalo na kung makaranas ng pagkahilo kung saan sumilong muna habang manatili na lamang sa loob ng tahanan kung wala naman importanteng gagawin sa labas.