Passport ng transgender na si Sofia Love, kinansela na ng DFA dahil sa pambabastos sa National Anthem ng Pilipinas

Manila, Philippines – Humiling ang National Historical Commission of the Philippines sa Dept. of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ng transgender na si Maria Sofia Love.

Kasunod na rin ito ng pambabastos ni Maria Sofia Love sa pambansang awit ng Pilipinas.

Nag-trending kasi sa social media ang video ni Maria Sofia Love na naka-suot ng pulang bathing suit na nagsasayaw at nakahawak pa sa kanyang maselang bahagi habang tumutugtog ang national anthem ng bansa.


Ayon sa NHCP, isa itong malinaw na paglabag sa R.A. 8491 o ang Violation of the Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Si Maria Sofia Love ay kasalukuyang nakatira sa Los Angeles, California.

Facebook Comments