Pastor Apollo Quiboloy, nagsalita na sa pagsasampa ng kaso sa kaniya ni Senator Pacquiao

1279

Nagsalita na si Pastor Apollo Quiboloy, pinuno ng Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa 100-M libel at cyber libel case na isinampa sa kaniya ni Senator Manny Pacquiao sa Makati Prosecutor’s Office dahil sa pagpapakalat nito ng fake news.

Nagsimula ang kaso sa mga sinabi ni Quiboloy sa kaniyang TV program at social media post na si Pacquiao ang nagpasimula ng hindi na natapos na Saranggani Sports Training Center na nagkakahalaga ng P3.5-B.


Ayon kay Quiboloy, ipapaubaya na niya sa kaniyang mga abogado ang paghawak sa kaso.

Pinayuhan naman nito si Pacquiao na mag-isip dahil bago pa pumasok sa pulitika ay dapat handa na ito sa mga kritisismo.

Maliban sa kaso ay humihingi rin si Pacquiao ng 100-M na danyos dahil ginamit umano ni Quiboloy ang kaniyang kapangyarihan at impluwensya para magpalaganap ng kasinungalingan.

Facebook Comments