Pastor Quiboloy, may banat kay Kapa ministry founder Apolinario

Muling binanatan ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy si Kapa-Community Ministry founder Joel Apolinario.

Giit ni Quiboloy, labag sa batas ang sistema na ginagawa ng ministry ni Apolinario at hindi umano ito dapat tinatawag na isang relihiyosong grupo.

Aniya, pekeng pastor si Apolinario at nanlilinlang lamang ng mga tao.


Sabi pa ni Quiboloy, dumami lang umano ang mga miyembro ng Kapa dahil sa pangakong tutubo ang perang ido-donate ng mga miyembro at hindi dahil sa relihiyosong aktibidad nito.

Nilinaw naman ni Quiboloy na walang ‘rivalry of religion’ para sa kaniya dahil ang iginigiit niya lamang ay ang ilegal na operasyon ng Kapa.

Facebook Comments