Pasukan sa Agosto: Walang Problema, ayon sa CHED Region 1

54

San Fernando, La Union – Ipinabatid ni Public information officer of the Commission on higher education region 1 Danilo Bose sa publiko ang ukol sa pasukang mangyayari sa Agosto bente kwatro ngayong taon. Sa naging eklusibong panayam nito sa iFM Dagupan, isinaad nitong walang problema sa petsa ng pasukan na isinusulong hangga’t mayroong isusumiteng school calendar ang mga paaralan sa rehiyon uno.

Dagdag pa nito walang magiging problema ang mga institusyon at unibersidad sa Rehiyon uno dahil ang ilan sa mga ito, ay nasubukan ng mag-umpisa noong Agosto. Samantala, patuloy paring pag-aaralan ng mga kinauukulan ang august 24 na pasukan, at mga alituntuning kanilang ipapatupad.
[image: region 1 ched.png]

Facebook Comments