Patas na access sa COVID-19 vaccines, panawagan ni Pangulong Duterte sa ASEAN

118

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na ang lahat ng bansa, mayaman man o mahirap ay dapat may access sa ligtas na bakuna para sa COVID-19.

Sa virtual meeting ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nanawagan si Pangulong Duterte na magkaroon ng equitable access habang pinalalakas ang regional cooperation para matiyak ang health security lalo na ang inclusive recovery mula sa pandemya.


Bukod dito, ipinanawagan din ng Pangulo na palakasin ang healthcare systems at magkaroon ng sapat na medical supplies at teknolohiya.

Dapat din aniyang magkaroon ng early warning systems para sa health emergencies.

Iginiit ng Pangulo na ang pandemya ay naging hamon sa mga bansa lalo na sa pagbabalanse ng pagligtas ng buhay at pagbubukas ng ekonomiya.

Facebook Comments