PATAY | 2 hinihinalang karnaper, patay matapos manlaban sa otoridad

13

Manila, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang karnaper ng motorsiklo sa U.P Campus sa Quezon City.

Tinukoy ni PCI Joey Caisi ng CIDG ang dalawa na miyembro ng kilabot na bigayan group na sangkot sa robbery at motornapping sa buong Metro Manila.

Una na rito ng magkasa ang kanilang hanay ng operasyon matapos na may magreport na may natangayan ng motorsiklo sa lugar at nang maispotan ang mga suspek ay nakipag barilan pa umano ito sa kanila na agad naman ikinasawi ng mga suspek,

Wala pang pagkakakilanlan sa mga napatay na karnaper.

Facebook Comments