PATAY | Isang ginang, sawi matapos saksaksin ng kaniyang naka-away sa Biñan City, Laguna

107

Laguna – Patay na nang matagpuan ang isang babae sa loob ng bahay ng lalaking kaniyang nakaalitan sa Biñan City, Laguna.

Nakilala ang biktima na si Mary Joy Demetillo, na natagpuan sa bahay ng suspek na si Efrel Pabalan sa Barangay Dela Paz.

Nabatid na pinagsasaksak ng suspek ang biktima gamit ang kikil o “saw file.”

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa bago nangyari ang krimen kung saan tinangka pa ni Pabalan na tumakas ngunit naabutan siya ng mga awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa relasyon ng dalawa maging kung ano ang kanilang dahilan ng pagtatalo.

Facebook Comments