PATAY | Isang grade-11 student, sawi sa pananaksak

54

Isabela – Patay ang isang grade-11 student matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cauayan City, Isabela

Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Cauilan,16-anyos.

Sa ulat ng Cauayan City Police Station, naglalakad ang biktima kasama ng kaniyang pinsan na si Jonel Tabije nang bigla na lamang itong sinaksak ng suspek.

Hindi naman kaagad napansin ni Tabije kung paano nasaksak si Cauilan kung saan nalaman lang niya ito nang tawagin siya ng biktima.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit dahil sa malalim na saksak sa dibdib ay namatay din ito habang ginagamot.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa pananaksak at ang pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments