PATAY | Lalaki na natutulog, patay matapos pagbabarilin sa Tondo

12

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin habang natutulog sa kanyang tinutuluyang bahay sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PCI Romeo Stabillo ng Manila Police District Station 1 – pinasok ng dalawang suspek ang bahay ng biktima pasado alas dos kaninang madaling araw.

Napag-alaman din na tatlong araw pa lang na nakatira sa lugar ang biktima kaya wala pang nakakakilala rito.

Inaalam pa ng PNP ang pagkakakilanlan ng lalaki at ang posibleng motibo sa krimen.

Facebook Comments