PATAY | Lalaki – patay sa shooting incident sa Muntinlupa

32

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki sa nangyaring shooting incident sa Blue House NBP reservation sa barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Kinilala ang biktima na si Fermin Borela Alyas “Bure”, 45-anyos.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din siya ng buhay.

Tinutugis na ang suspek sa pamamaril na si Florentino Chicano, 60-anyos.

Patuloy din ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen.

Facebook Comments