PATAY | Lalaking kalalaya lamang sa kulungan, sawi sa pamamaril

25

Manila, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Bataan Street sa Barangay Holly Spirit, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Michael Edizora, 40-anyos.

Ayon sa mga residente apat hanggang limang putok ng baril ang kanilang narinig at nang kanilang usisain, dito na nila nakita ang walang buhay na biktima.

Nabatid na kakalaya lamang ni Michael noong nakaraang linggo matapos na makulong dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Wala naman gustong magsalita sa nakakita sa krimen dahil sa takot na balikan o madamay sa insidente.

Facebook Comments