PATAY | Receptionist ng spa, sinaksak ng katrabahong massage therapist sa QC

Manila, Philippines – Patay ang isang receptionist ng spa matapos saksakin ng katrabahong massage therapist sa Barangay Sierra, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ariel Libunao habang ang suspek ay si alyas ‘Master’.

Nakarinig ang ilang empleyado ng spa ng kalabog sa reception area at nang silipin ay nakita nilang nagtatalo ang suspek at ang biktima.


Biglang kumuha ng kutsilyo ang suspek saka sinaksak ang biktima.

Lumabas ang suspek sa spa habang itinapon nito ang ginamit na panaksak.

Isinugod pa ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nahuli naman ang suspek sa ikinasang follow-up operation.

Facebook Comments