Patay sa nasunog na gusali sa London, pumalo na sa 12 – ilang pinoy, kumpirmadong nasugatan sa insidente

168

World – Labing dalawa ang kumpirmadong patay habang hindi bababa sa 70 ang nasugatan sa sunog sa isang 24 na palapag na gusali sa London.

Ayon sa mga otoridad, posibleng madagdagan pa ang nasabing bilang dahil hindi pa rin ganap na naapula ang sunog na tumutupok sa Grenfell Tower residential apartments sa North Kensington.


Kasabay nito, kinumpirma naman ng Philippine Embassy sa London na may ilang pinoy ang nasugatan sa insidente na pawang mga residente ng gusali.

Ang mga pinoy na naapektuhan ng sunog ay namamalagi sa St. Clement’s Church, St. Francis of Assisi Church at iba pang evacuation centers.

Nagsimula ang sunog dakong ala-1:00 ng madaling-araw (oras sa London).

Bagamat agad na rumesponde ang mga pamatay-sunog, mabilis na kumalat ang apoy mula sa ground floor hanggang sa tuktok nito.




DZXL558

Facebook Comments