Patay sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Visayas, nadagdagan pa

51

Manila, Philippines – Umakyat na sa apat ang nasawi sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Visayas.

Ayon sa NDRRMC, kabilang sa mga nasawi si Maria Varjago, 88 anyos ng Carigara, Leyte.

Pumanaw ito dahil sa celebral hemmorage dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Nasawi rin ang buntis na si Annalyn Labrador, sa bayan ng Matabob, Leyte.

Pumalo naman sa 448 ang sugatan habang mahigit 26,000 tao naman ang naapektuhan ng lindol kung saan higit 10,000 sa mga ito ay nanatili sa evacuation center.

Facebook Comments