Patay sa patuloy na bakbakan sa Marawi City – pumalo na sa 106, mahigit 500 sibilyan – nailigtas

193

Manila, Philippines – Pumalo na sa 106 katao ang kumpirmadong nasawi sa nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.

Ayon kay 1st infantry division at Philippine Army Spokesperson Lt Col Jo-Ar Herrera – 61 dito ay mga terorista, 20 ang sundalo, 19 ang sibilyan at anim na iba pa.


Sa ngayon, panibagong elite forces ng pamahalaan ang tumulong sa pagtugis sa mga terorista na nagtatago pa sa 15 porsyento ng Marawi City.

Samantala, panibagong 560 sibilyan ang nailigtas ng militar at pulisya habang nagsasagawa ng retrieval at clearing operations.

Kabilang dito ang labing anim na pawang mga gutom na residente ng barangay raya madaya matapos na ma-trap sa bakbakan.

Isasailalim naman sa debriefing at medical checkup ang mga nasagip na residente.




DZXL558

Facebook Comments