PATAY | Tricycle Driver Pinagbabaril!

10

Patay ang isang Tricycle Drayber sa Mancup Calasiao kahapon ika-5 ng Disyembre , 5:00 ng hapon matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect. Kinilala ang biktima na si Mike Daniel Suarez ng Mancup Calasiao Pangasinan.

Ayon sa isang saksi na si Dionisio pinagbabaril ang biktima sa lugar kung saan walang bahay at nakarinig na lamang sila ng sunod sunod na pagputok ng baril. Tumangging magpainterbyu ang kapatid nito na si Noemi Suarez dahil under investigation pa ang kaso ng kaniyang kapatid ngunit sa facebook account nito nagpost ito na ipagpapasa Diyos na lamang nila ang taong gumawa ng pamamaril sa kanilang kapatid.

Patuloy naman ang pagpapaigting ng kampaniya ng PNP Calasiao sa kanilang Oplan Sita sa mga motorista.

Facebook Comments