Pateros, nagtayo ng sariling decontamination tents

38

Nagtayo na ng sariling make-shift decontamination tents ang munisipalidad ng Pateros para sa mga residente.

Inilagay ang mga unang decontamination tents sa B. Morcilla Street, Barangay Poblacion sa harap ng LBC at sa dalawang area sa Barangay Kanluran.


Itinayo ang decontamination tents upang ang mga residente na lalabas ng bahay, mamimili sa bayan at bago umuwi ay mainam na na-decontaminate o malinis upang ligtas sa pagharap sa kanilang pamilya.

Bukod sa mga residente ay maaari ding magdecontaminate ang mga frontliners sa lugar.

Bukas ang mga decontamination tents 24/7 at plano pang dagdagan ang mga make-shift decontamination tents sa mga susunod na araw.

Facebook Comments