PATOK NA 3D ART SA ALAMINOS CITY, TRENDING SA SOCIAL MEDIA

37

ALAMINOS CITY – Buhay na buhay ang sining sa bagong attraction na handog ng Alaminos City. Bukod sa Hundred Island na dinarayo ng mga turista ay isang 3D o three-dimensional painting ang pinag-uusapan online. Makikita pag-pasok sa Lucap wharf ang jump-off point ng bangkero at turista papuntang hundred islands ang 3D art. Ito ay proyekto ng Tanghalang Sandaang Pulo Cultural Group Inc.

Sa pangunguna ni Mr. James Bravo Ison, kanyang mga kapatid at kapwa visual artists ay dahan dahan nilang naubo at nabigyang kulay ang walumpong talampakan na lapad ng Lucap Wharf. Umaabot sa 5-6 na oras ang kanilang tinatagal sa paggawa. April 29 ng umpisahan ang project at ngayon ay nasa 70% na ang kanilang natatapos. Bagamat napakagandang puntahan, paalala lamang na sarado pa po ang Lucap Wharf at hindi pa bukas sa mga bisita dahil sa umiiral na community quarantine.


Facebook Comments