Patong-patong na kaso, isinampa ng pamilya ni Reina Mae Nacino laban sa mga opisyal at tauhan ng MPD at BJMP

48

Naghain ng patong -patong na criminal at administrative complaint sa Office of the Ombudsman ang pamilya ni Reina Mae Nasino laban sa ilang mga opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kabilang sa mga inireklamo ay sina dating MPD Director Pol. Brig. Gen. Rolando Miranda, Jail Dir. Allan Iral, Chief ng BJMP, Pol. Lt. Col. Levi Hope Basilio, Station Commander ng Manila Police Station 10 (PS 10), Jail Inspector Ignacia Monteron, Officer-in-Charge (OIC) ng Manila City Jail Female Dormitory, Pol. Lt. Col. Magno Gallora Jr., Station Commander ng Manila Police Station 2 (PS 2) at iba pa.


Ayon kay Atty. Josalee Deinla, abogado ng mga Nacino, kabilang sa kanilang asunto ay ang paglabag sa anti- torture act, grave coercion, grave misconduct, grave abuse of authority, maltreatment of prisoner at paglabag sa breastfeeding act.

Nag-ugat ang reklamo sa pagkamatay ng sanggol ni Nacino na si baby River matapos mawalay sa kaniyang ina na nakakulong sa Manila City Jail.

Umaasa si Marites Asis, ina ni Nacino na sa pamamagitan ng naturang mga kaso ay mapapanagot ang mga naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang apo.

Facebook Comments