Patong Sa Ulo Para Ipatumba Sina President Elect Rodrigo Duterte At Pnp Chief Bato Dela Rosa

16

MANILA – Lumaki pa ngayon ang pabuyang ini-aalok ng mga drug lord para ipatumba sina Incoming President Rodrigo Duterte at Incoming PNP Chief Supt. Ronald “Bato” Dela Rosa.Kinumpirma ni Dela Rosa na nakakuha sila ng report na mula sa sampung milyong piso ay itinaas na sa 50 million pesos ang patong sa kanilang ulo.Ayon kay Bato, dahil sa walang kumakagat sa 10 million ay tinaasan pa ng mga drug lord ang pabuya.Pero sa kabila nito, hindi natinag si Dela Rosa at mas ginanahan pa ito sa pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga, kriminalidad at korapsyon.Kasabay nito, binalaan ni Dela Rosa ang mga pulis na mananatili ang one strike policy sa PNP.Sa interview ng RMN, sinabi ni Dela Rosa na wala siyang pinipiling ranggo, maliit man o mataas na posisyon, basta sangkot sa droga at katiwalian.Tiniyak din ni Dela Rosa na ipatutupad ang “operation tukhang” kung saan ang mga hepe ng pulisya ay obligadong mag-ikot sa mga nasasakupang barangay para puntahan at katukin ang mga bahay ng mga hinihinalang kriminal.

Facebook Comments