PATROLYA PULIS | Valenzuela City Government, namigay ng mga police cars at K9 dogs sa Valenzuela PNP

23

Manila, Philippines- Namigay ng 60 police cars at 6 na K9 dogs ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa Valenzuela police.

Dumalo mismo sa turn-over ceremony si PNP Chief Ronald Dela Rosa kasama si Mayor Rex Gatchalian.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Dela Rosa sa mga ibinigay na police cars at K9 dogs lalo at malaki ang maitutulong nito sa ginagawang pagpapatrolya ng mga pulis sa lungsod.

Aabot sa isang milyong piso ang halaga ng bawat isang police car, mayroon itong kanya-kanyang dash cam at GPS o Global Positioning System para malaman kung saan-saan ito nagpupunta.

Sinabi naman ni Mayor Gatchalian na, nakatakda rin silang mag-donate ng body cam sa mga pulis Valenzuela.

Facebook Comments