Barko ng PCG, muling nagbaba ng relief supplies sa Catanduanes

84

Patuloy ang pagbagsak ng barko ng PCG ng relief supplies sa Bicol Region

Muling nagbaba ang BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard ng iba’t ibang klase ng donasyon mula sa mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong organisasyon sa Port of Virac sa Catanduanes.


Kabilang dito ang mga pagkain, purified drinking water, mga gamot, bitamina, hygiene kit, PPE set, generator, at flashlight.

Layon nito na matiyak na mabibigyan lahat ng ayuda ang mga munisipalidad sa Catanduanes na higit na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo.

Patuloy naman ang pagtanggap ng PCG ng mga donasyon na kanilang ita-transport sa Bicol Region at Cagayan Valley.

Facebook Comments