
Iginiit ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ang patuloy at mas mabilis na implementasyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) benefits enhancements.
Panawagan to ni Lee kay bagong PhilHealth President and Chief Executive Officer Dr. Edwin Mercado.
Umaasa si lee sa patuloy na pakikiisa at pagtupad ng PhilHealth sa pangako nitong mapababa ang gastos sa pagpapa-ospital ng mga pilipino, hanggang makamit ang libreng gamot at pagpapagamot.
Bunsod nito ay tiniyak ni lee ang patuloy na pangangalampag at paniningil sa Department of Health at PhilHealth upang agarang maipatupad at mapagtibay ang mga repormang pangkalusugan.
Facebook Comments