Patuloy na pagbabantay sa kaban ng bayan, ibinilin ni Senator Lacson sa kanyang senatorial bets

197

Mahigpit na pinababanyatan ni Presidential Aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson ang kaban ng bayan sa kanyang mga senatorial candidates na sina Raffy Tulfo, Guillermo Eleazar at Minguita Padilla.

Nais ni Lacson na maipagpatuloy ang ginagawa niyang masigasig at mapanuring pagbantay sa kaban ng bayan na kanyang tinutukan sa matagal na panunungkulan bilang senador.

Ayon kay Lacson, sa panahon ngayon, pinakaimportante na masiguro na nagagamit nang tama ang kaban ng bayan.


Paliwanag ni Lacson, higit itong dapat gawin lalo na’t nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pandemya na nakakaapekto sa ating ekonomiya at lumolobong utang ng bansa na aabot na sa P13.42 trillion sa Hunyo 2022.

Diin ni Lacson, ang ating national budget, ang lifeblood ng ating economy, ng ating bansa at ng bawa’t isa sa atin.

Iginiit ni Lacson na kapag pinabayaan natin ito ay hindi lang tayo ang tatamaan kundi pati ang mga anak natin at mga apo.



Facebook Comments